Wednesday, October 14, 2009
Monday, October 12, 2009
New Heart
Ilang buwan na rin ang lumipas simula nung nagpupumilit akong makaapak sa mundo ng Medisina. Tandang tanda ko pa kung paano ako nagmakaawa sa mga magulang ko para tutusan nila ang pagaaral ko at higit sa lahat, ang mga araw na wala akong ginawa kundi ang magdasal sa Kanya para mangyari ang lahat ng ito. At ayun, sobrang bait Nya at hindi naman ako nabigo, natupad ang lahat ng iyon at ngayon ay andito na ako.
Walang kasing saya ang naramdaman ko nung maging isang ganap na estudyante na ako ng Medisina. Lahat ng pangarap ko para makatulong sa kapos-palad nating mga kapatid ay unti-unting nabubuo sa aking isipan, nagkakaroon ng kulay kumbaga. Pero inaamin ko, hindi naging madali ang mga nagdaang buwan para sa akin. Natapos ang isang semestre na ang tanging naipasa ko lang ay ang mga huling examinasyon na kinuha namin. Ganun pa man, nagpapasalamat ako ng sobra-sobra. Lalo na nung nalaman kong hindi ako kasama sa listahan ng kukuha ng removal exams sa major subject naming Bioethics. Hay. Sana makapasa yung mga kaklase ko. Balik sa akin, ayun. Hindi talaga naging madali, hindi talaga. Ang tanging naging madali lang sa akin ay ang umiyak. Dito ko lang naranasan ang umiyak ng dahil sa usaping eskwelahan. Hindi ko dati nagawa. Siguro iba na talaga kasi ngayon, dahil hindi basta basta ang lahat ng to. Buhuy na ng tao ang kapalit ng bawat pagkakamali na magagawa ng isang taong nagbabalak maging doktor kagaya ko. Sobrang hirap tanggapin. Sobrang hirap isipin na sa kabila ng lahat ng pagpupuyat at pagsasakripisyo sa maraming bagay ay hindi pa rin sapat yun para makapasa. Dumating na sa punto na sumusuko na ako. Naisip ko ng tapusin ang pangarap kong maging doktor at makatulong sa iba nating kapatid. Masakit. Sobrang sakit. Pero syempre, kahit gaanong kasakit, hindi pa rin ako nagpatalo. Sa totoo lang hindi lang ako ang hindi nagpatalo, tinulungan Niya ako.
Sa kabila ng lahat ng pagsubok na dumaan sa akin, sa lahat ng mga luha na pumatak sa mga mata ko, sa lahat lahat lahat lahat! Hindi Niya ako iniwan. Binigyan Niya ako ng masasandalan, ng makakapitan. Sa mga panahong hirap na hirap ako, alam kong Siya ang nagbigay sa akin ng pamilya, mga kaibigan, at mga kaklase para mapanggalingan ng lakas, saya, at gabay ko sa araw-araw. At alam kong ibinigay Niya sa akin ang lahat ng pagkakataon para mapalapit ako ng husto sa Kanya para ipaalala na andyan lang Siya para maging kasama ko sa lahat. Bigla kong naalala na andyan lang pala Siya lagi para samahan ako at iparamdam na hindi Niya hahayaan na mapabayaan ako at ang bawat isa sa atin para matupad ang kung ano ang nasa maganda Niyang plano. Naramdaman ko uli ang naramdaman ko simula nung binabalak ko pa lang pumasok sa Medisina. Naramdaman at naisip ko na mali ang sumuko dahil andyan lamang Siya lagi para gabayan tayo at tulungan tayong gawin ang tama. Muli kong naisip na hindi ako makakarating dito kug hindi dahil sa Kanya. At alam ko, at sigurado ako, na dinala Niya ako dito dahil alam Niya na kaya ko itong malagpasan basta maniwala lang ako sa Kanya.
Sa lahat ng kumukuha ng Medisina, alam kong napagdadaanan niyo rina ang pakiramdam na ito. At sana lahat tayo ay pareho ang nagiging sandalan sa mga panahong ganito. Walang susuko! Kakayanin para sa iba! Kaya natin 'to!
Salamat Po Papa God. :)

Sunday, September 27, 2009
Friday, May 22, 2009
.
Bakit bigla na naman ako nakaramdam ng lungkot? 'Tong lungkot na ganito na naman. Antagal ko na hindi naramdaman to ah. Hay. Wala bang magbabago?
Thursday, May 21, 2009
med books
Bumili na ko ng books. Pumunta kami ni Frances sa Recto nung May 20 para medyo me bawas daw ang presyo. Meron naman. Hehe. Nakakapagod lang kasi ambigat ng mga libro tapos bbyahe pa. Pero okay lang yung natipid namin pang isang libro na rin. Mga 1,600 din. Kulang pa yan. 10 yung kelangan namin na books eh. Lima pa lang yan pero naka 9,600 na ko. Huwaa! Sana magkaron kami ng maraming pera para makapagtuloy ako sa 2nd year. Ay, ano naman kung me pera hindi naman nakapasa ng 1st year? Haha. Basta! Ako bahala sa aral aral! Pera ang problema! Aja! Haha. Hindi ko nga alam kung bakit ako bumili ng mga libro eh, eh hindi naman ako marunong magbasa. Hehe. Kelangan ng pagbabago! Magsikap ka Anna! Huwag mo sayangin ang chance na binigay sayo! Isipin mo na lang pag nagtamad ka pa at hindi pumasa, sayang ang pera! pera, pera, PERA!! Haha!
Tuesday, May 19, 2009
Natupad
Eto na to. Ngayong araw na to, ay kahapon pala May 19, 2009 kasi madaling araw na ng May 20 ngayon, masasabi ko na na isa na akong ganap na Med Student. YES. Totoo na to. At YES. Tuwang-tuwa ako. Haha. Dati kasi, nangangarap lang ako. Hehe. Tapos yun na sunud-sunod na. Noong natanggap ko yung acceptance letter ko galing sa DLS-HSI, hindi pa ko masyadong tuwang-tuwa kasi ano naman?

Accepted nga ako, wala naman akong pang enrol. Oha. Pero ngayon. Haha.

Enrolled na ko. Hahaha. Pano nangyari yun? Magic. Haha. Napilit ko sina Mama at Papa na pagtiyagan akong paaralin. Alam kong mahirap yung iniisip kong yun kasi wala kaming pera, pero nagpumilit talaga ako. Gusto ko eh. Haha. Ayun, awa ng Diyos. Nabayaran namin ang ubod ng mahal na matrikula.

Tumataginting na P90,025 lang naman. Potek. Para akong nagpalipad ng pera. Haha. Pero okay lang, maganda kapalit nito. Kindat. Haha. Excited na ko mag-puting uniform! Ganto siya oh.

Haha. Ano kaya itsura ko nun? Haha. Kaya excited na ko pumasok eh. Pero sa July pa pala kami magsusuot niyan. Pambihira. Hindi ko pa mafifeel sa June. Hindi halatang excited ako no? Haha. Excited na rin akong mag-aral. HUWAT!? Hahaha! Hindi ko kasi naranasan mag-aral noon. Haha. Hindi talaga ako pala aral na estudyante. Wala lang. Swerte lang talaga at nakakapasa. Haha. Chambalera. Andaming books! Ibig sabihin, madaming babasahin! OMG. Bahala na. Ang mamahal ng libro. Tingnan mo naman.
SYET. Yun lang ang masasabi ko. Maghahanap ako ng mabibilihan na mura. O kaya magpapahiram. Pero mas maganda kung akin na lang sana yung libro eh. Kaya pipilitin ko maghanap ng mabibilihan.
Aryt. Seryoso na. Simula na to. Simula na ng pagbabago. Hindi naman ako magbabago pero alam ko yung magiging buhay ko sa Med School pipilitin akong baguhin. Maraming maiiba. Maraming madadagdag. Maraming mababawas. Dati hindi ako nagaaral, ngayon kelangan ko na mag-aral, kahit medyo lang. Bawas gala kasama ng tropa, dagdag oras sa aral. Bawas happy-happy, dagdag ng kaseryosohan sa buhay, pero pag hindi kaya magseryoso, edi happy-happy! Bawas pera sa pamilya, dagdag kaalaman (aysus!). Sana mabawasan din ang timbang ko di ba? Huwag na sanag madagdagan pa kundi, lintik na! Haha. Basta madaming mababawas! Madaming madadagdag! Hindi ko lang maisip ngayon, inaantok na ko eh. Bukas siguro sulat ko. Ah basta! Ang alam ko lang ngayon, haharapin ko na ang isa sa pinakamalaking hamon na mangyayari sa buhay ko. At alam ko na kakayanin ko to, basta maniniwala at kakapit lang ako sa Kanya. Sabi nga,

Oha. Oha! =)

Accepted nga ako, wala naman akong pang enrol. Oha. Pero ngayon. Haha.
Enrolled na ko. Hahaha. Pano nangyari yun? Magic. Haha. Napilit ko sina Mama at Papa na pagtiyagan akong paaralin. Alam kong mahirap yung iniisip kong yun kasi wala kaming pera, pero nagpumilit talaga ako. Gusto ko eh. Haha. Ayun, awa ng Diyos. Nabayaran namin ang ubod ng mahal na matrikula.
Tumataginting na P90,025 lang naman. Potek. Para akong nagpalipad ng pera. Haha. Pero okay lang, maganda kapalit nito. Kindat. Haha. Excited na ko mag-puting uniform! Ganto siya oh.
Haha. Ano kaya itsura ko nun? Haha. Kaya excited na ko pumasok eh. Pero sa July pa pala kami magsusuot niyan. Pambihira. Hindi ko pa mafifeel sa June. Hindi halatang excited ako no? Haha. Excited na rin akong mag-aral. HUWAT!? Hahaha! Hindi ko kasi naranasan mag-aral noon. Haha. Hindi talaga ako pala aral na estudyante. Wala lang. Swerte lang talaga at nakakapasa. Haha. Chambalera. Andaming books! Ibig sabihin, madaming babasahin! OMG. Bahala na. Ang mamahal ng libro. Tingnan mo naman.
SYET. Yun lang ang masasabi ko. Maghahanap ako ng mabibilihan na mura. O kaya magpapahiram. Pero mas maganda kung akin na lang sana yung libro eh. Kaya pipilitin ko maghanap ng mabibilihan.Aryt. Seryoso na. Simula na to. Simula na ng pagbabago. Hindi naman ako magbabago pero alam ko yung magiging buhay ko sa Med School pipilitin akong baguhin. Maraming maiiba. Maraming madadagdag. Maraming mababawas. Dati hindi ako nagaaral, ngayon kelangan ko na mag-aral, kahit medyo lang. Bawas gala kasama ng tropa, dagdag oras sa aral. Bawas happy-happy, dagdag ng kaseryosohan sa buhay, pero pag hindi kaya magseryoso, edi happy-happy! Bawas pera sa pamilya, dagdag kaalaman (aysus!). Sana mabawasan din ang timbang ko di ba? Huwag na sanag madagdagan pa kundi, lintik na! Haha. Basta madaming mababawas! Madaming madadagdag! Hindi ko lang maisip ngayon, inaantok na ko eh. Bukas siguro sulat ko. Ah basta! Ang alam ko lang ngayon, haharapin ko na ang isa sa pinakamalaking hamon na mangyayari sa buhay ko. At alam ko na kakayanin ko to, basta maniniwala at kakapit lang ako sa Kanya. Sabi nga,

Oha. Oha! =)
Monday, May 4, 2009
50
Nakuha ko na ang resulta. At natuwa naman ako. Go na ko. Pero hindi ko pa rin alam. alabo pa rin. Madami pa kong iniisip bago ako tumuloy. Eighty percent na. Twenty na lang bago ako tuluyang tumuloy sa lalakbayin kong to. Hay. Basta. HIndi ko alam kung pano ko sasabihin. Basta babalitaan na lang kita kung go na talaga.
Friday, May 1, 2009
Pet Society
Sana pet na lang ako sa Pet Society. Parang walang problema. May nagmamahal pa sa kanya. Pakainin mo lang masaya na. Paliguan mo lang masaya na. Bisitahin mo lang masaya na. Panuorin mo lang ng TV masaya na. Magjumping rope lang masaya na. Magfrisbee lang masaya na. I-hug mo lang masaya na. I-kiss mo lang masaya na. At ito malupet, kahit suntukin mo masaya pa rin. Sana ganun din ako. Para lagi na lang ako masaya. Wala kasi akong kwenta eh. Batugan ako. Walang silbi. Panget pa hindi tulad ng kung sino pa. Mas magaling siya sakin. Buti pa siya mabait. Buti pa siya masipag. Buti pa siya matalino. Ako kasi hindi ako masipag eh. Wala akong pakialam sa kanila kaya hindi ako mabait. Tanga ako eh. Hindi ko kaya. Mahirap daw yun eh. Wala ngang pera. Pero sana yun na lang yung dahilan. Hindi pati kabatuganan ko. Pati yung issue na hindi ko daw kaya. At lalong wag na sana iparamdam sakin na buti pa siya. Shet. Sana pet na lang ako sa Pet Society. Para masaya kahit kelan.
-Walang kwentang tao.
-Walang kwentang tao.
Sunday, March 1, 2009
Monday, February 23, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)